you know you love it!

you know you love it!

Lunes, Hulyo 11, 2011

si kuya brando at ako part 7!!!

“It is a pleasant surprise that all of us are here, isn’t it? It is so nice to see you…again,” parang nang-iinis si Jimson nang makaalis na si Engr. Clyde.

Ibang Jimson na ang nasa harapan namin ngayon. Wala na ang tabain at malaking bata bagama’t naroon pa rin ang features ng mukha kaya makikilala mo siya instantly. Mas matangkad na kami ni Harry sa kaniya ngayon sa height niyang 5’8”. In fairness, maganda ang katawan, yung tipo ng banat sa trabaho at bilad sa araw. Black handsome, yun ang description ko sa kaniya.

Napaisip ako ng mabilis. Hindi na kami mga grade three ngayon at wala na kami sa UB Annex. Kung papatulan namin siya ni Harry, siguradong kami ang talo. Una, kasasabi lang kanina sa discussion ng construction rules na bawal makipag-away sa loob ng construction site premises. Second, nauna siya sa amin dito at base na rin sa pagkakahabilin ni Engr. Clyde, siya ay mas mataas sa amin, kaya wala kami sa posisyon para pagmulan ng away. Third baka ma-terminate pa kami pag nagkataon, masisira na ang pangalan ng UB, hindi pa kami makaka-graduate at siguradong hindi ko na makukuha ang Cum Laude ko. Mabuti na lang at nakuha din ni Harry ang ibig kong sabihin sa pagkakahawak ko sa kaniyang balikat. Medyo nag-subside ang pagkainis nito.

“Yes Sir Jimson, nagagalak din kaming makita ka,” iyon na lang ang naisip kong sabihin. Address the man as if he is a King, give him the satisfaction he wanted. Let him feel he’s more powerful than you. Let him feel that he is important. It’s no cowardice after all.

Mukha namang epektibo nang sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. A triumphant smile! “Mabuti naman habang maaga, alam na ninyo kung saan kayo lulugar,” sabi nito sa nagyayabang na tinig.

Palihim din akong ngumiti dahil nakuha ko ang gusto kong mangyari. Pero si Harry ay nanatiling tahimik, parang naghihintay lang na makanti ay sasabog muli.

“Wear your earplugs and follow me,” sabi ni Jimson.

Pagpasok namin sa generator room tumambad ang maraming circuit breaker at fuse boxes na may mga label kung alin ang sinuplayan ng kuryente. Nakinig naman kami kay Jimson habang binibigyan niya kami ng overview ng mga iyon. Kung kay Harry ay parang parusa ang makipagplastikan kay Jimson, parang sa huli naman ay very proud pa ito na animo’y titser na nagtuturo sa mga bagong pasok pa lang na estudyante. Naidasal ko na lang na sana, hindi ma-trigger ang galit ni Harry kahit man lang habang hindi ko pa siya nakakausap.

“Inis ka pa ba?” tanong ko kay Harry. Nasa may generator panel na noon si Jimson, kami nama’y pinaupo niya sa may mesa malapit sa pinto at ibinigay ang santambak na mga manual at compilation ng mga electrical drawings.

“Medyo,” sabi niya sa mas malakas na tinig. Maingay pa rin kasi ang andar ng makina.

“Hindi tayo dapat magpadala sa bugso ng damdamin. Wala tayong mapapala kung aawayin natin siya.”

“Tama ka, kaya nga kahit kaninang makita ko pa lang siya at biglang bumalik sa akin ang ginawa niya sa ‘yo dati, inipon ko ang buong lakas ko para makapagtimpi.”

Ngumiti ako sa kaniya tanda ng kagalakan sa kaniyang sinabi. “Tiisin na lang natin Harry kung anoman ang mangyari sa pakikitungo natin kay Jimson, kailangan natin ang OJT na ito.Alam ko hindi ito ang una’t huli. Alam ko ipo-provoke pa niya tayo sometime later kaya dapat handa tayo na dedmahin lang ang mga susunod pa niyang attempts na parang wala lang.”

“Kaya ko kaya iyon?”

“Kayanin mo,” sabi ko sa kaniya. Alam ko naman kasi na medyo mainitin talaga ang ulo ni Harry. Hindi siya ganoon kapasensiyosong gaya ko. Kung iisipin mo nga, hindi ka maniniwala na may pagka-pusong babae si Harry. Lalaking-lalaki kasi siyang tingnan pati umasta.

“Basta walang makikipag-away,” utos-pakiusap ko sa kaniya.

Parang nagdadalawang isip siyang sumagot.

“Harry, ipangako mo.”

“Okay.”

“Pramis?”

“Pramis. So help me God,” nakangiting sabi na niya na itinaas pa ang kanang kamay.

Nakakunot-noo naman si Jimson nang mapatingin sa amin. Dinedma na lang namin siya at itinutok ang aming atensiyon sa binabasa.


“TALAGA BANG inilihim mo sa amin na nandito rin si Jimson Landicho?” tanong iyon ni Harry kay Eunice nang makita namin sa canteen nang mag-break kami ng alas-tres na hapon. Tumabi siya ng upo sa aming mesa.

Bagamat mahininahon naman ang pagkakatanong ni Harry, kita kong medyo nasindak si Eunice, akala mo’y batang may ginawang hindi maganda at nahuli sa akto. “Sasabihin ko rin naman sa inyo eh, nakalimutan ko lang. Isa pa malalaman niyo rin naman.”

“Kailan pa siya dito?” tanong ko.

“Inabutan ko na siya nung OJT pa lang ako,” tugon niya.

“Ganoon katagal? Bakit hindi mo man lang nabanggit?” si Harry.

“Hindi naman kayo nagtatanong. Isa pa, kelan ba natin napag-usapan ang tungkol sa work ko? Kelan ba kayo nagtanong ng tungkol sa akin? Ako nga lang palagi ang kwento ng kwento sa inyo,” sagot niya na may halong pagtatampo. “Pangalawa, wala namang magandang idudulot sa inyo kung nandito man si Jimson. Baka mapaaway lang kayo. Pangatlo, baka hindi na kayo dito nag-OJT kung sa una pa lang nalaman na ninyong nandito siya.”

May punto naman talaga si Eunice. Magkakaibigan nga kami pero wala kaming masyadong alam tungkol sa kaniya. Marahil ay dahil sa kay Kuya Brando naka-focus ang buhay ko, samantalang si Harry naman ay sa akin umiikot ang mundo. Kaya ayun hindi namin masyadong nabibigyang-pansin si Eunice.

“Graduate ba iyon?” tanong ko.

“Ang alam ko’y tapos siya ng 2 years na Technical Course na Industrial Electrician.”

“Ah..kaya pala, nagwo-work na siya.”

“Galit ka ba?” tanong ni Eunice kay Harry sabay hawak sa isang braso nito.

Umiling lang si Harry.

Tapos na kaming kumain nang maalalang ibigay sa amin ni Eunice ang susi ng locker. Dahil wala pa daw bakante, share muna kami sa isang locker. Palabas na kami ng canteen nang sabihin ni Eunice, “Papasama pala ako sa inyo mamaya sa SM, may bibilhin lang ako.”

Alam ko namang hindi siya sasagutin ni Harry kaya, “Okay sige, sasamahan ka naming dalawa ni Harry,” binigyan diin ko pa ang salitang dalawa saka tumingin ako kay Harry na parang sinabi sa akin, “Bahala ka.”

“Kita-kits na lang tayo mayang 5PM,” abot-tainga naman ang ngiting sabi ni Eunice sa amin.


Magkatabi lang ang CR at locker room, pareho sa pagkakagawa ng canteen. Pumasok ako sa CR samantalang sa locker room naman dumiretso si Harry para tingnan ang locker namin.

Walang urinals sa CR. Ang naroon ay sementadong canal na pahaba sa gilid ng dingding katabi ng lababo paharap sa tatlong cubicle at may tubo na binutasan isang pulgada ang pagitan at tuloy-tuloy na sinisiritan ng tubig. May isang lalaki sa huling cubicle at may isa pang umiihi sa may bandang dulo ng canal. Doon ako sa parte ng canal na malapit sa lababo tumayo para umihi.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa lalaking kahilera ko. Kilala ko pala siya, iyong lalaking sa tingin ko’y napa-Eewww kanina sa orientation. Mas matangkad ako sa kaniya ng tatlong pulgada pero well developed ang kaniyang muscles at matured na siyang tingnan. May kaitiman ang balat pero malinis namang tingnan, karaniwang kulay ng mga construction worker na laging bilad sa araw.

Lumabas yung lalaki sa cubicle at tumabi sa kaniya. Nagulat ako nang hawakan nung kalalabas na lalaki ang ari ni Mr. Eewww saka pinihit ito paharap sa akin. Si Jimson ang lalaki, sakmal ng kamay niya ang ari nito na semi-erect na noon at sadyang may ipagmamalaki. Nakangisi naman si Mr. Eewww na parang tuwang-tuwa pa na ibinabandera ang ari niya ni Jimson.

“Gusto mo?” tanong ni Jimson sa akin.

Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa aking ulo sa harapang pambabastos ni Jimson. Kung isa ito sa pag-provoke niya para patulan ko siya, nagkakamali siya.

“Sa iyo na lang ‘yan, tutal hawak mo na,” sabi ni Harry na nasa may likuran ko na pala kasabay ng nakakalokong pagtawa.

Pinamulahan naman ng mukha si Jimson sa hindi inaasahang pagbalik sa kaniya ng pang-iinis. Binitawan ang ari ni Mr. Eewww pero nanatili na itong nakatayo sa hangin. “Kunwari pa kayo, ito rin naman talaga ang gusto ninyo. Mga bakla kayo!”

“Sino kaya ang mas bakla, iyong nakatingin sa titi o iyong nakasakmal sa titi?” maagap na sabi ni Harry.

“Hindi ako bakla!” galit na si Jimson, mas mataas na ang boses niya ngayon.

“Then don’t act like one!” si Harry.

“Sa labas na lang tayo,” hamon na ni Jimson. Lumakad na ilang hakbang palapit kay Harry, nasa likuran na niya ngayon si Mr. Eewww, lumambot na ang aring pumaling sa kaliwa at nagmamasid sa susunod na mangyayari.

Nang makita kong humakbang din si Harry palapit, nagmamadaling itinaas ko na ang aking zipper at humarang na sa harapan niya. “Sige!” pagtanggap sa hamon ni Harry na anumang oras ay handa nang lusubin si Jimson. “Ano bang problema mo sa amin, ha? Bakit parang gusto mo ng away? Kung tutuusin kami nga ang dapat na magalit sa iyo sa naging atraso mo sa amin.”

Sumilay ang nangungutyang ngiti kay Jimson saka sinabing, “At ako pa ngayon ang may atraso? Mula kaninang makita ko kayo, lahat ng galit na inipon ko ng mahigit sampung taon ay biglang bumalik. Kung hindi dahil sa inyo, malamang mas maayos ang buhay ko. At hindi ako ipapa-kick out sa eskwelahan ng sarili kong ama.”

Kami pa pala ngayon ang sinisisi ni Jimson sa hindi na niya pagbalik sa eskwelahan pagkatapos ng dalawang linggong suspension niya noon. Pero bakit kami? Hindi ba parusa lang naman iyon sa kaniya sa mga ginawa niyang kabulastugan hindi lang sa amin ni Harry maging sa ibang mga mag-aaral. Kung sarili man niyang ama ang naghigpit sa kaniya, bakit sa amin niya iyon isisisi? Mas maayos ang buhay niya? Ang tinutukoy kaya niya ay dahil imbes na four or five years course ay two years na technical course ang binagsakan niya? Maaari nga sigurong ganoon.

“At kung hindi dahil sa baklang kagaya ninyo na bumaboy sa akin, hindi ako magiging ganito,” halos umapoy na siya sa galit sa panduduro sa amin. Bakas sa mukha nito ang pait nang alalahanin ang kaniyang masakit na nakaraan. Para ngang nagsisimula ng pangiliran ng luha ang kaniyang mga mata. “Tara sa labas…huwag kang magtago diyan sa dyowa mo, tapusin na natin ito!”

Para namang isang malaking bombang sumabog ang huling tinuran niya. Si Jimson biktima ng abuso? Kahit galit ako ay medyo lumambot ang puso ko. Pero sana nama’y huwag niyang lahatin, hindi naman lahat ng kagaya namin ay ganoon ang ugali, maaring may mangilan-ngilan lamang pero hindi lahat ay mapang-abuso.

Sa narinig ko, halos yakapin ko na si Harry. “Tama na, napag-usapan na natin ito di ba, hindi tayo papatol,” mariing sabi ko sa kaniya, pinipilit kong mag-sink in sa kaniya ang sinasabi ko.

Salamat naman at napahinahon ko si Harry. Hinila ko na siya palabas ng CR bago pa siya makasagot muli kay Jimson.

Dinig ko naman ang pahabol na sabi ni Jimson, “Mag-ingat kayo sa mga ginagawa ninyo at gagawin ninyo pa sa trabaho, ACCIDENTS HAPPEN ALL THE TIME. Curse you all faggots!”

Binalewala ko ang pagbabantang iyon ni Jimson sa kagustuhan kong mailayo na agad si Harry.

Isang pagbabanta…isang nakaambang panganib…


“HINDI KO ALAM kung kaya ko pang palampasin sa susunod na hamunin ako ni Jimson,” sabi ni Harry sa akin. Nakabalik na kami sa mesa noon sa may generator room.

Alam kong seryoso siya sa kaniyang sinabi na medyo ikinababahala ko. “Halos pareho lang tayo ng nararamdaman,” iyon na lang ang naisip kong sabihin. Hindi ko naman siya pwedeng kontrahin dahil ang taong galit mahirap tumanggap ng suhestiyon. Kailangan pang hintaying lumamig ang ulo bago makapag-isip ng maayos at tama. “Gusto ko rin siyang suntukin pero nagpigil ako, naalala ko kasi ang usapan natin kanina. Hindi tayo makikipag-away, anoman ang gawin niya, hindi tayo papatol.”

“Hindi ko lang kasi kayang makita iyong saktan ka pa niya kagaya noon.”

Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata.

“Ako na lang ang saktan niya, huwag lang ikaw. Ako, kaya ko kahit bugbugin pa niya ako. Sanay na naman akong masaktan kahit noong bata pa ako, physical man o emotional. Ang tagal kitang iningatan at inalagaan kaya habang buhay ako walang makakapanakit sa ‘yo.”

Naniniwala ako sa kaniya dahil ganoon naman talaga si Harry sa akin. Kung natuturuan nga lang ang puso, siguro’y si Harry na lang ang minahal ko. Pero iba eh…sabi nga sa isang kanta ‘Nakakalito ang mundo…Kung sinong mahal mo, siyang ayaw sa ‘yo’. Bakit nga ba ganoon? Si Eunice mahal niya si Harry, Si Harry naman ako ang mahal niya, samantalang ako si Kuya Brando naman ang mahal ko.

“Salamat at laging nandiyan ka Harry. Sana nga lang huwag tayong padadala sa pangbubuyo ni Jimson. Dahil siguradong talo tayo.”

Napabuntong-hininga siya ng malalim. Nakuha niya ang punto ko.

“Sige na,” paglalambing ko sa kaniya sabay hawak ng kaniyang kamay na nasa ibabaw ng manual. Masuyo ko itong pinisil, “kahit hindi na para sa school o kaya’y para kay Tiya Beng…kahit alang-alang na lang sa akin,” dagdag ko pa. Alam ko naman kasing iyon ang kahinaan ni Harry, pag ako na ang kumausap, kapag para sa akin siguradong hindi pwedeng hindi.

Marahan siyang tumango saka ngumiti.

Nasa ganoon kami nang tumapat sa aming mesa si Engr. Clyde. Bigla ko tuloy kinabig ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Harry. Pero imbes na pagkadisgusto ang nakita ko kay Engr. Clyde gaya ng ibang mga nakakakita sa amin, nakangiti lang ito na parang okay lang sa kaniya ang ganoong uri ng gestures kahit pa parehong lalaki. Bakit kaya?

Sinenyasan kami ni Engr. Clyde na lumabas ng room. Nang nasa labas na bumaling siya sa akin, “Rhett, punta ka muna sa Electrical Engineering Office.”

Naunahan pa akong magtanong ni Harry, “Bakit po Sir?”

“May kailangan yata sa ‘yo si Sir Brando,” maikling tugon nito.

Nagkatinginan kami ni Harry. Naisip ko na baka pag iniwan ko siya at hamunin siya ulit ni Jimson ay baka patulan na niya ito. Nakita ko rin sa mukha niya ang pagtatanong ng, “Paano ako?”

Napangiti si Engr. Clyde, “Kayo talagang mga bagong OJT, palagi na lang gustong nakabuntot sa isa’t-isa.”

“Hindi naman ho,” depensa ko. Paano ko naman sasabihin ang tungkol sa hidwaan namin nina Jimson?

“Pwede ho bang sumama na lang ako sa mga trabahador sa labas?” mungkahi ni Harry.

“Oo nga po,” segunda ko naman.

“Okay kung ‘yan ang gusto mo.” Pag-ayon naman ni Engr. Clyde. Iniwan kami sandali para pumasok sa loob. Pagkatapos kausapin si Jimson saka bumalik sa kinatatayuan namin.

Gusto ko namang matawa nang makita ko ang reaksiyon ni Jimson na nakatingin sa amin na parang sa isang batang naisahan ng mga kalaro.


PAPALAPIT PA lang ako sa opisina ni Kuya Brando ay kung ano-ano na ang naiisip ko. Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Tungkol saan? Hindi kaya nagsumbong si Jimson ng kung ano-anong pinagtapi-tagpi kasinungalingan kaya heto ngayon at kakausapin ako? Halos manghina ang tuhod ko sa kaba. Mas malakas pa ang kabog ng dibdib ko kaysa pagkatok ko sa pinto. Nang marinig ko ang tinig niya na pinapapasok ako, pakiramdam ko’y mapapatiran na ako ng hininga.

Nahahati din sa dalawa ang opisina kagaya ng sa Admin. Pagpasok sa pintuan ay langhap ko ang mabangong amoy ng peras at banilya. Sa unang hati ay may nakahilerang tatlong mesa na wala namang umookupa, pero napansin ko ang pangalan ni Engr. Clyde dun sa panghuli. Sa isa pang hati naman ay naroon ang mesa ni Kuya Brando nakaharap sa may bintana at may dalawang silya sa magkabilang tabi. Malapit naman sa bintanang may light blue na Venetian blind na half open ay may sofa na kulay light blue din at babasaging center table na may oval clay pot sa gitna, natatamnan ng assorted mini cactus. May cactus din sa kaniyang mesa na kung hindi ako nagkakamali ay isang Easter Lily.

Sa laptop na nasa ibabaw ng mesa niya ang atensiyon ni Kuya Brando nang lumapit ako. Kuya sana ang itatawag ko sa kaniya pero mas mabuti nang ngayon pa lang sanayin ko na ang sarili ko na tawaging siyang, “Sir…”

Nag-angat siya ng mukha. Nakita ko na naman ang mga brown eyes niyang iyon na kulang na lang ay tunawin ako sa aking kinatatayuan. “What took you so long Mr. Santillan?” pormal ang tono nito.

Hayyy…ang gwapo talaga ni Kuya Brando. “Sorry po,” paumanhin ko na lang kahit sa tingin ko’y hindi naman ako matagal dahil halos kahihiwalay lang namin nina Harry at Engr. Clyde. Pero siyempre boss siya kaya to end the topic of being late, mag-sorry na lang para tapos na.

“I want you--,” sabi niya na ikinaawang ng mga labi ko. Para tuloy akong maiihi sa excitement.

Totoo ba itong naririnig ko? He wants me? As in wanting for sex? Super kinikilig naman ako. OMG! Heavens help me!

Pero nalaman ko na masyado lang pala akong mabilis mag-isip as if putting words in his mouth dahil hindi pa siya tapos magsalita, may kasunod pa pala iyon na, “I want you to help me with my laptop. Kanina pa ako dito, ayaw niyang mag-start.”

Laglag naman ang balikat ko sa narinig. Hayyy…akala ko pa naman iyon na. Pero nagtaka rin naman ako kung bakit ako? Paano niya nalaman na may alam ako sa computer. Sa pagkakatanda ko’y hindi ko naman nailagay sa resume ko under special skills yung sa pc repair.

“Ano ho bang problema Sir?”

“Ayaw mag-start,” naiinis na sabi niya. Tumayo ito sa kaniyang upuan saka nag-give way sa akin. “Ayan check mo naman. Ikaw muna umupo dito.”

Nahihiya pa akong umupo sa kaniyang silya at tiningnan ang kaniyang laptop. Wow, latest model at pang-mayaman ang brand. Pinindot ko ang Start button.

Kinuha ni Kuya Brando ang isang silya sa harap ng mesa niya, inilagay sa kaliwang tabi ko saka umupo. Ipinatong pa ang kanang kamay niya sa may armrest ng inuupuan ko kaya napadikit tuloy ang braso ko sa kaniya. Parang wala lang naman sa kaniya iyon na tutok sa screen ang mga mata inaabangan ang gagawin ko.

“Sana nama’y maayos mo na. Tatapusin ko pa yung progress report ko for presentation bukas ng umaga.”

Kung sa kaniya ay balewala ang pagdikit ng mga braso namin, sa akin ay iba, para akong kinukoryente. Masarap sa balat na ewan, na lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.

Nag-start naman iyong sa BIOS kaya lang ay nung Starting Windows na para itong nag-hang tapos ay black out ng screen at nagre-start na naman. Paulit-ulit lang na ganoon.

“’Yan ganyan siya, paulit-ulit.”

“Dalawa po ba ang partition nito?” tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapihit ng mukha dahil sa kaba ng dibdib ko. Nasa may kaliwa ko siya at sobrang lapit niya paano na lang na baka pagharap ko maglapat na pala ang aming mga labi?

“Ano ‘yon?”

Napilitan tuloy akong harapin siya. Tama naman ang kalkulasyon ko dahil eksaktong pagharap ko ay halos dalawang pulgada na lang ang layo ng mukha ko sa mukha niya. Nagtama ang aming mga mata. “Kung bukod sa drive C po ay may drive D din.”

Hayyy…mamamatay na yata ako Lord!

“Meron,” sabi niya. Hindi man lang siya nag-attempt na ilayo ang mukha niya. Pakiramdam ko nga’y inilapit pa niya lalo. Super bango ng hininga niyang dumampi sa aking ilong at mga labi.

Ako naman ay hindi alam ang gagawin kung ilalayo ko ba ang mukha ko o ilapit na rin lang gaya ng ginawa niya. “Yung files nyo po…lahat ba nasa drive D?” nagawa ko pa ring itanong kahit parang dinaanan ng El Nino ang lalamunan ko sa pagkatuyo.

“Naroon lahat,” pabulong na niyang sagot saka muling inilapit ang mukha.

OMG! Ano ba ito? Hindi ko na kaya…hindi na ako makapagpigil… konti pa hahalikan ko na ang lalaking ito!

“Try ko pong irestore…from the…emergency backup.” Nagsisimula ko ng maramdaman ang pangangatal sa aking katawan. OMG! Bakit? Ganito ba talaga kagrabe ang excitement ng First Kiss?

“Do what pleases you…and I’ll do mine,” sabi niya na nang muling ilapit ang kaniyang mukha naramdaman ko na ang paglapat ng kaniyang mga labi sa akin.

Napapikit na ako. Pakiramdam ko ay nag-freeze ang buong paligid. Tumigil sa paggalaw ang buong mundo maliban sa aming dalawa. Ramdam ko ang lambot ng kaniyang mga labi na kinamkam ang sa akin. Ang sarap pala, kakaiba na hindi maipaliwanag. Masarap pala talagang halikan ka ng taong mahal mo. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko, kakagatin ko ba siya? Sisipsipin ko ba? Ewan, basta ang alam ko’y bigla na lang nagkaroon ng sariling pag-iisip ang aking mga labi na bawat gawin ni Kuya Brando ay siya ko ring ginagawa sa kaniya. Nagpaubaya ako nang magtangka ang kaniyang dila na pasukin ang aking bibig. Bumukas ito ng kusa para hayaan sa kaniyang ginagawa. Para itong scuba diver na sinisid ang bawat sulok ng dagat. At natuto akong sumabay sa pagsisid, tinudyo ko din ng aking dila ang kaniyang dila. Para akong mapapatiran ng hininga at mawawala sa katinuan.

Pati na rin ang aking mga kamay ay nagka-isip nang kusa itong pumulupot sa kaniyang batok. At nang yakapin ako ni Kuya Brando, pakiramdam ko’y daig ko pa ang tsokolateng ipinasok sa microwave oven na natunaw sa kaniyang dibdib at mga bisig.

Ang halik na habang tumatagal ay lalong nagiging maalab at mainit.

Ganoon pala katamis ang unang halik.

Pero sa lahat ng moment ay lagi na lang may panira. Pero buti na lang bago pa tumunog ang cell phone ni Kuya Brando ay nalasap na namin pareho ang tamis. Pareho kaming habol-hininga nang maghiwalay ang pagkakahinang ng aming mga labi. Saka muling gumalaw ang buong paligid.

Tumayo si Kuya Brando, nagpunta malapit sa may bintana saka sinagot ang kaniyang cell phone. Ako naman ay hindi pa rin nakakabawi sa nangyari. Nag-uumapaw ang tuwa sa aking puso habang nakatingin ako sa kaniya. Mahal ko talaga si Kuya Brando, mahal na mahal.

Pagkababa ng telepono ay lumapit siya sa akin.

“May emergency meeting lang ako sa main office. Dumating si Chairman. Babalikan kita. Do what you can to make my laptop running. I just need it badly.”

Tinapunan ko siya ng ngiti na nagmumula sa aking puso. “Sige Kuya.”

Umupo siyang muli sa aking tabi. “Will you wait for me?”

Of course. I have waited my whole life for you. Ngayon pa na oras lang Kuya Brando? Ngayon pa?

Nangingislap ang aking mga mata, “Yes, I will.”

Dinampian niya akong muli ng halik sa aking mga labi saka mabilis na lumabas ng silid.

Para naman akong namatanda na hindi halos makagalaw. OMG! Totoo ba ang nangyari kani-kanina lang? Paulit-ulit na binalikan ko sa aking isip ang paghalik sa aki ni Kuya Brando. Gusto kong matandaan ang buong pangyayari pati na ang bawat detalye. Ilang minuto din akong animo’y tulala bago ako tuluyang nakabawi.

Masayang-masaya ako nang simulang ayusin ang laptop ni Kuya Brando. At dahil sa sobrang inspired ako mabilis ko lang siyang naayos gamit ang emergency backup na nasa hard drive din ng laptop.

Habang naghihintay, nagpatugtog muna ako ng kanta sa laptop ni Kuya Brando. Eksakto naman na swak sa nararamdaman ko ang kanta.

'Sang saglit ng ubod-tagal
Unang halik ng 'yong mahal
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang parang walang hanggan
'Yan ang iyong unang halik….

Nang mapatingin ako sa Easter Lily cactus, napansin ko malapit na malapit dito ay iyong calling card holder ni Kuya Brando. Mabilis akong kumuha ako ng isa saka tiningnan ang kaniyang contact number at isinave sa aking cellphone.

Iyong unang halik
Unang tibok ng pusong sabik
Isang saglit lang nang matikman

Isang saglit lang, parang walang hanggan
Limutin mo man, mahirap gawin
Dahil damdamin mo sumisigaw
Mapipi man ang 'yong bibig
Kay tamis ng una mong halik…

Patapos na ang kanta nang marinig ko ang pagkatok sa may pinto. Nataranta ako nang maisip na hindi si Kuya Brando ang nasa labas ng pintuan. Eksaktong pagtayo ko para umalis sa may mesa nang bumukas na ang pinto. Iniluwa ang isang babae.

Maganda.

Iyon ang unang description na pumasok sa isip ko. Parang artista o mas appropriate sabihing parang ramp model sa hitsura, sa tindig at sa bihis. She looks familiar, sabi ng isang bahagi ng utak ko.

Where is Brando?” nagtatakang tanong nito nang makita na akong nakaupo sa mesa imbes na ang hinahanap niya.

Sorry, Ma’am,” magalang kong sabi. “He’s out of the office.”

“Where is he?”

“I heard he’s on emergency meeting with the Chairman.”

Tumingin siya sa akin mula ulo pababa. Mukha namang satisfied siya sa nakitang kaguwapuhan ko. “Who are you then? The new flavour of the month I guess?”

Flavour of the month? Ano ako Ice Cream? Bakit ganoon ang statement niya, mukhang alam niya ang tungkol sa pagkatao ni Kuya Brando.

Bigla tuloy akong na-consious. “I’m an OJT Ma’am, He asks me to fix his laptop.”

Parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Duda ang ekspresyon ng mukha. “Pwede ko po bang malaman kung sino sila?”

“Me? I’m Yzah Elizalde…his fiancee.”

Itutuloy

Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento